Ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan lahat ay may hangganan maging ang buhay ng tao ay may dulo kaya naman hangga`t tayo ay nabubuhay gawin natin ang mga bagay na sa atin ay makakapagpasaya at lalong lalo na iparamdam natin sa mahal natin sa buhay kung gaano sila ka importante at kung gaano natin sila kamahal.
Tulad nalang ng kwento ng isang anak na ito na hindi na nagdalawang isip pang umuwi sa kanilang bahay matapos makita ang litrato ng kanyang Ina na naghihintay sa kanilang lamesa at naghanda ito ng pansit at empanada para sa kanilang buong pamilya.
Nung una raw siyang tawagan ng kanyang Ama upang sabihin na siya ay umuwi agad ay tumanggi ito at nagdahilan na pagod at may pasok pa siya kinabukasan, ngunit nung makita na ang larawan ng kanyang Ina ay hindi na niya hinayaan na mapalampas pa ang pagkakataon na umuwi at ng makasama kumain ang kanyang pamilya matapos niyang mapagtanto ang bagay na ito.
Ayon kay Christie Lindo :
“I immediately realized that the noodles, the empanadas, and every other food mom has made was not just a dish she wanted to share but her own excuse to see us. And here I was, giving the lamest excuses not to see her and dad”
At ng makauwi nga si Christie sa kanilang bahay ay sinigurado nito na marami siyang makakain na pansit at empanada na gawa mismo ng kanyang Ina.
“Appreciate the time we have left with our parents or family because life is short and uncertain” dagdag ni Christie.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment