Source of True Trending Pinoy News

Thursday, June 30, 2022

Mga damit na sosootin ng pamilya ni president-elect BBM sa Inauguration, ipinakita na

Ibinahagi ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mga kasootan na isosoot ng susunod na unang pamilya sa inagurasyon na gaganapin ngayong Hunyo 30 sa Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ayon sa kampo ni Marcos ay gawang pinoy lahat ng mga kasootan na gagamitin ng unang pamilya sa makasaysayang araw ng kanilang pagbabalik sa kapangyarihan.

Dalawang barong ang sosootin ng susunod na pangulo para sa nasabing araw, isa ay para sa kanyang panunumpa at ang isa ay para sa hapunan.

Dinisenyo ng kilalang fashion designer na si Pepito Albert ang mga barong ni Marcos.

Ayon kay incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles ay modernong barong na hango sa kasootang “rayadillo” na kasootan noon ng mga sundalong espanyol ang isosoot ni Marcos para sa mga aktibidad niya para sa umaga.

Habang ang kanyang barong na sosootin sa gabi ay habi naman sa Taal, Batangas.

Samantala ay gagamitin naman ni incoming first lady Liza Marcos ang terno na likha ni Lesly Moba na itinuturing na isang henyo pagdating sa fashion industry.

Parehong gawa sa Pilipinas ang sosooting mga sapatos ng mag-asawang Marcos.

Ibinahagi din nila ang gagamiting barong ni Ilocos Rep. Sandro Marcos sa espesyal na araw.

Nakatakda namang kantahin ng aktres na si Toni Gonzaga ang pambansang awitin sa inagurasyon ni Marcos.

Umaasa naman ang kampo ni Marcos na magiging mapayapa ang araw ng inagurasyon kahit na ilang grupo na ang nagsabi na magpo-protesta sila.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment