Usap-usapan at trending ngayon online ang pangalawang anak ng Pambansang Kamao, Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao dahil sa angking galling sa pag-rap.
Si Pacman ay nakilala at namayagpag ang karera sa sports na boxing. Naging “World Boxing Champion” dahil sa sunod-sunod nitong panalo sa iba’t-ibang kategorya ng boxing. Hindi maikukubli ang galling at bilis ng kanyang mga kamao na nagdala sa kanya sa tuktok ng tagumpay at naging daan upang maging maganda ang buhay ng pamilya.
Namana din umano ni Michael ang bilis, hindi sa larangan ng boxing, kundi sa larangan ng musika sa pamamagitan ng pag rap.
Noong nakaraang buwan ay inilabas ni Michael sa kanyang YouTube channel na Michael Pacquiao ang kaniyang Rap song na pinamagatang “Pac-Man”. Ang piyesang ito inilaan para sa amang Pambansang Kamao at isang collaboration kasama ng rapper na si Micahel Bars.
Marami ang humanga sa galling ng dalawang Michael sa “Pac-Man” rap song, na umabot na ng mahigit 2 million views.
Wika ng nakararami, si Michael na daw and susunod na dapat pakakaabangan sa industriya ng Rap Music dahil sa napamalas nitong husay sa klarong pagbibigkas ng mga salita at bilis sa pag rap.
Sa kasalukuyan, si Michael Pacquiao ay miyembro din umano ng Brent International School Manila basketball team. Hindi lamang paglalaro ng basketball ang nakahiligan nitong gawin subalit ang pag-rap ay naging paborito ding libangan.
Iminungkahi ng ilang netizens na gamitin ang Pac-Man Rap Song sa susunod pang mga laban ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao, upang mas lalo raw itong maging inspired at mapanalo ang kanyang laban.
Inaabangan na ng mga fans ni Michael Pacquiao ang mga susunod pa nyang mga kanta sa kanyang YouTube channel.
Tila kapag mabuti nga naman ang puno ganun din ang bunga, kaya naman ganoon na lamang ka-blessed ang pamilya Pacquiao dahil na rin sa kanilang natataglay na kabutihan.
The post Netizens Napabilib sa Talento ni Michael Pacquiao sa Galing Nitong Mag-Rap appeared first on READit.
Source: ReadIt
No comments:
Post a Comment