Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, July 14, 2020

Nico Bolzico, Suportado ang Hilig sa Pagpipinta ng Asawang si Solenn Habang Nag-aalaga sa Kanilang Anak

Kung ikaw ay isang fan ng mag asawang Solenn Heusaff at Nico Bolzico, iyong makikita ang kanilang mga posts sa kanilang mga social media accounts. Sa simula pa lamang ng pagbubuntis ni Solenn ay todo suporta na ang asawa, at ibinibigay ang lahat sa pag aalaga kay Solenn.

photo credit: nico bolzico | ig

Ilang buwan na rin ang nakalipas ng isinilang ni Solenn ang kanilang sanggol. Mararamdaman ang saya at pagiging proud ni Nico sa kanyang mga posts.

photo credit: nico bolzico | instagram

Ayon sa kanyang IG post, “Multitasking never exist… never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves!

photo credit: nico bolzico | instagram

Kagaya ng ibang mga magulang, ipinagsasabay din ni Solenn ang pag-aalaga sa kanilang anak, at ang kanyang pagpipinta. Kita ito sa isang litraro sa IG post ni Nico kung saan hawak ng aktres ang kanyang baby at pinapainom ng gatas habang tinatapos nito ang kanyang painting.

photo credit: nico bolzico | instagram

Kadalasan sa mga mommy na hands-on kagaya ni Solenn, nakakaligtaan na ang mga bagay para sa sarili dahil mas nagiging priority ang pag-aalaga sa baby. Subalit ayon kay Nico, ang mga asawa kagaya nya ay dapat maging strong support upang makapag enjoy din ang mga mommies hindi lamang sa pag aalaga sa anak kundi pati narin sa iba pang mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

photo credit: nico bolzico | instagram

Isang huwarang ina kung maituturing si Solenn na kayang pagsabayin ang kanyang mommy duties sa kanyang passion sa pagpipinta.

“A happy mum is the best mum!” Sabi pa ni Nico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on

Masasabi talagang ulirang asawa itong si Nico Bolzico sa kabila ng pagiging busy nito bilang commercial at negosyante nakukuha pa rin niyang magkaroon ng oras tulungan at alagaan ang kanyang asawa.

Ikomento lamang sa ibaba kung ano masasabi sa mga ganitong mister tulad ni Nico.

The post Nico Bolzico, Suportado ang Hilig sa Pagpipinta ng Asawang si Solenn Habang Nag-aalaga sa Kanilang Anak appeared first on READit.


Source: ReadIt

No comments:

Post a Comment