Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, November 30, 2021

Buboy Villar, naging emosyonal ng iwanan siya ng kanyang anak na si Vlanz para pumuntang Amerika!

Kilala natin si Buboy Villar bilang isang mahusay na komedyante at isang sikat na YouTube vlogger. Sa kanyang mga pinagdaanan sa showbiz marami siyang natutunan sa buhay lalo pa’t nung mga panahon na siya ay naging isang batang ama. Hindi man nauwi sa happy ending ang naging relasyon nila ng kanyang partner na si Angillyn Gorens naging masaya naman si Buboy sa pagiging hands-on dad sa kanyang dalawang anak.

Source:IG/buboyvillar

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Buboy na kinailangan siyang iwan ng kanyang panganay anak na si Vlanz upang maisaayos ang dual citizenship ng kanyang anak. Naging emosyonal si Buboy dahil hindi niya alam kung kelan babalik ang kanyang anak lalo pa ngayon na malapit na ang kapaskuhan. Mapapanood sa kanyang vlog, na talagang sinusulit ni Buboy ang mga araw at oras na kasama niya ang kanyang anak. Hanggang sa huling araw na kasama niya ang kanyang anak ay hindi niya talaga napigilan ang maiyak. Ito ang unang beses na mawawalay sa kanya si Vlanz kaya masakit para sa kanya bilang isang ama ang mawalay sa kanya ang anak.

Source:IG/buboyvillar

Ngunit, kahit masakit para sa kanya mas pinili pa rin ni Buboy ang magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanyang anak sa Amerika. Kaya nang maihatid na ni Buboy ang kanyang anak sa airport tinatagan niya ang kanyang kalooban dahil ayaw rin niyang umiyak ang kanyang anak habang papalayo ito sa kanya. Nang makabalik na sila Buboy sa loob ng sasakyan doon na bumuhos ang emosyon ng aktor.

Source:YouTube/Buboy Villar

Labis naman ang naging pasasalamat ni Buboy sa mga magulang ni Angillyn na laging naka-full support sa kinakabukasan ng kanilang mga apo. Sa vlog na ito ni Buboy, maraming mga netizens ang naka-relate sa kanyang nakakaantig video. Dahil para kay Buboy, napakasakit naman talaga sa isang magulang ang mapalayo sa anak ngunit para sa kinabukasan kaya kinakailangan niyang magsakripisyo.

Source:YouTube/Buboy Villar

Panoorin ang kabuuang video sa ibaba:

The post Buboy Villar, naging emosyonal ng iwanan siya ng kanyang anak na si Vlanz para pumuntang Amerika! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment